Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na Bata
Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.
Para sa Doktrina at mga Tipan 60–62: Gumawa ng mga simpleng missionary name tag gamit ang papel. Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Kaya kong maging isang missionary!”
Para sa Doktrina at mga Tipan 63: Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Kaya kong maging mapitagan.” Maghalinhinan sa pagtitiklop ng inyong mga braso at pagiging tahimik sa loob ng ilang sandali.
Para sa Doktrina at mga Tipan 64–66: Maghalinhinan sa pagsasabi ng, “Patawad” at “Pinatatawad na kita.” Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Kaya kong magpatawad.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 67–70: Maghanap ng mga larawan ng propeta sa website ng Simbahan o sa mga magasin ng Simbahan. Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Ang propeta ay nagtuturo ng salita ng Diyos.”
Para sa Doktrina at mga Tipan 71–75: Tulungan ang maliliit na bata na sabihing, “Kaya kong maging masipag!” Turuan ang inyong mga anak ng isang gawaing-bahay na maaari nilang gawin upang makatulong, tulad ng pagwawalis o pagliligpit ng mga laruan.