Masasayang Bagay
Mga Origami na Puso
Ang origami ang sining ng pagtutupi ng papel ng mga Hapones. Sundin ang mga hakbang upang makagawa ng isang itinuping papel na puso!
-
Magsimula sa isang parisukat na papel. Itupi ito sa gitna upang makagawa ng isang tatsulok, pagkatapos ay buksan itong muli.
-
Ngayon, itupi ang kabilang bahagi upang makagawa ng isang tatsulok. Buksan itong muli upang magkaroon ka ng dalawang tupi sa iyong parisukat.
-
Itupi ang kanto na nasa ibabaw upang maabot nito ang tupi sa gitna.
-
Itupi ang kanto na nasa ilalim upang maabot nito ang ibabaw.
-
Itupi pataas ang kanang bahagi upang maabot nito ang tupi sa gitna.
-
Itupi pataas ang kaliwang bahagi upang maabot din nito ang gitna.
-
Baligtarin ang papel. Itupi ang mga kanto sa itaas at mga gilid at idikit ang mga ito.
-
Baligtarin itong muli. Ngayon ay mayroon ka nang puso! Magsulat ng isang maikling liham dito at ibigay ito sa isang tao.