Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at lagyan ng pandikit upang maisara.
Marie Cardon
“Kasama ko ang Diyos.”
-
Noong bata pa siya, nanaginip siya na tinuturuan ng mga missionary ang kanyang pamilya sa Italy.
-
Noong tinedyer na siya, tinuruan at bininyagan ng mga missionary ang kanyang pamilya.
-
Isang araw na naroon ang mga missionary, may mga galit na mandurumog na dumating. Buong tapang na itinaas ni Marie ang kanyang Biblia at sinabihan niya sila na umalis. At umalis nga sila!
-
Siya at ang kanyang pamilya ay naglayag sa karagatan at tumawid sa kapatagan upang makasama ang mga Banal.
Anthon Lund
“Talagang pinagpala ako ng Panginoon.”
-
Siya ay isinilang sa Denmark at pinalaki ng kanyang lola.
-
Itinuro sa kanya ng mga missionary ang ebanghelyo. Nabinyagan siya sa edad na 12.
-
Naglakbay siya papunta sa Utah upang makasama ang mga Banal. Kalaunan, siya ay naging mission president sa Europa.
-
Naglingkod siya bilang Apostol at bilang miyembro ng Unang Panguluhan.