Para sa mga Mas Nakatatandang Bata
Mungkahi para sa Mga Bata at Kabataan
Kung pinanghihinaan ka ng loob tungkol sa pagkamit ng iyong mga mithiin, itanong sa iyong sarili ang mga bagay na ito:
-
Sino ang maaari kong hingan ng tulong?
-
Paano ako makagagawa ng maliit na hakbang tungo sa aking mithiin?
-
Ano na ang natutuhan ko sa ngayon?
Huwag Sumuko
Ang paborito kong kuwento sa banal na kasulatan ay nasa Aklat ni Mormon. Ito ang bahagi kung kailan kailangang kunin ni Nephi ang mga laminang tanso mula kay Laban. Gusto ko na hindi sumuko si Nephi tulad ng ginawa ng kanyang mga kapatid. Hindi rin ako dapat sumuko kapag mahirap ang sitwasyon.
Alizée S., edad 11, Auvergne-Rhône-Alpes, France
Lihim na Paglilingkod
-
Magsulat ng isang maikling liham o tula para sa isang tao na nagsasabi sa kanya kung gaano siya kadakila.
-
Manalangin para sa isang taong may mahirap na pinagdaraanan.
-
Doblehin ang iyong edad. Pagkatapos ay mamulot ng mga piraso ng basura na kasindami niyon!