Ang pagiging magulang ay isang malaking pagpapala. Pero hindi ito palaging madali. Magkakamali tayo, pero maaari tayong patuloy na umunlad at matuto. Matutulungan tayo ng Ama sa Langit, at maging ng ating mga anak. Sama-sama nating mapangangalagaan ang isa’t isa at mas mapapalakas ang ating mga ugnayan. Basahin ang mga kuwento sa pahina 8 at pahina 20 upang malaman kung paano kayo sama-samang lalago nang may pagmamahal. Kausapin ang inyong anak tungkol sa mga paraan kung paano ninyo matutulungan ang isa’t isa.