Minamahal na mga Kaibigan
Binigyan tayo ng Ama sa Langit ng maraming kaloob—tulad ng mga templo, mga banal na kasulatan, ating mga katawan, at ating Tagapagligtas. Nais Niyang tratuhin at ibahagi natin ang mga kaloob na ito nang may paggalang at pagpipitagan. Kapag ginagawa natin ito, ipinapakita natin sa Ama sa Langit na nagpapasalamat tayo sa mga kaloob na ibinigay Niya sa atin. Subukan ang laro sa pahina 24 upang malaman ang iba pa. Ano ang gagawin ninyo upang makapagpakita ng pagpipitagan at paggalang?
Mahal namin kayo!
Ang Kaibigan
Gustung-gusto Naming Nagpupunta sa Templo
Sina Hannah at Hayley-Jane N., edad 9 at 8, ay bumisita sa Perth Australia Temple
Sa Anong Wika Ko Binabasa ang Kaibigan
Binabasa ni Samanta G., edad 10, ang Kaibigan sa wikang Espanyol sa Nuevo León, Mexico!
Mga Paglalakbay kasama sina Margo at Paolo
Hindi kami nakapaglakbay sa panahon ng COVID-19, kaya nagpasiya kaming magkunwaring naglalakbay sa mundo. Gumawa kami ng maliliit na maleta mula sa mga kahon upang paglagyan ng aming mga kunwa-kunwariang pasaporte, tiket, at travel journal. Gustung-gusto naming nag-aaral at naglalakbay sa mundo kasama sina Margo at Paolo! Salamat sa pagtulong sa amin na makamit ang aming intelektuwal na mithiin para sa Mga Bata at Kabataan.
Connor at June H., edad 7 at 9, Wyoming, USA