2021
Hamon sa Mga Bata at Kabataan
Hunyo 2021


Masasayang Bagay

Hamon sa Mga Bata at Kabataan

Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Gawin ang ilang aktibidad mula sa board na ito para sa programang Mga Bata at Kabataan! Kaya mo bang tapusin ang lima sa iisang hanay? (Tingnan ang Gabay na Aklat para sa mga Bata para sa iba pang mga ideya).

Maglakad-lakad at pansinin ang kalikasan sa paligid mo.

Linisin ang iyong silid o iba pang lugar sa iyong tahanan.

Magsulat ng 20 bagay na pinasasalamatan mo.

Magtakda ng isang mithiing PANLIPUNAN.

Manalangin para sa isang kaibigan o mahal sa buhay na nangangailangan.

Gumawa ng simpleng paglilingkod para sa isang kapamilya.

Magsulat sa iyong journal.

Magtakda ng isang mithiing PISIKAL.

Pumili ng isang aktibidad na gagawin ng iyong pamilya para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa linggong ito.

Magpadala ng isang maikling liham ng pasasalamat sa isang tao na nakatulong sa iyo.

Maglaro kasama ang iyong pamilya.

Hilingin sa isang tao na turuan ka ng isang bagong kasanayan.

LIBRENG ESPASYO

Maglakad-lakad at mamulot ng 20 piraso ng kalat. (Huwag kalimutang hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos.)

Tingnan ang mga lumang larawan kasama ang isang kapamilya at magbahagi ng mga alaala.

Tumikim ng isang bagong prutas o gulay.

Sabihin sa isang kaibigan ang isang bagay na hinahangaan mo sa kanya.

Tawagan ang isang lolo o lola o iba pang kamag-anak. Magtanong-tanong upang malaman ang iba pa tungkol sa kanya.

Magbasa ng isang aklat sa loob ng 20 minuto.

Magtakda ng isang mithiing ESPIRITUWAL.

Magtakda ng isang mithiing INTELEKTUWAL.

Gumawa ng isang masayang aktibidad kasama ang iyong mga kapatid.

Basahin ang iyong mga banal na kasulatan sa loob ng 10 minuto.

Alamin kung paano gawin ang paborito mong pagkain.

Mag-ehersisyo sa loob ng 20 minuto.

Mga paglalarawan ni Mitch Miller