2021
Sama-samang Sumusubok
Hunyo 2021


Sama-samang Sumusubok

Naisip ni Jack na sana hindi na lang niya sinigawan si Inay.

“Nararapat ninyong patawarin ang isa’t isa” (Doktrina at mga Tipan 64:9).

boy standing outside apartment

Lagot si Jack. Sinundot niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Harper. Sinabihan siya ni Inay na tumigil. Itinambak niya ang kanyang mga laruan sa kusina. Inutusan siya ni Inay na damputin ang mga ito. Inilabas niya ang lahat ng plastik na basong pinagpapatung-patong. Sinabihan siya ni Inay na itabi ang mga ito. Pagkatapos ay nag-away sila ng kanyang nakababatang kapatid na si Adam. At doon na siya sinigawan ni Inay. Sinigawan niya rin si Inay pabalik. Pagkatapos ay sinabihan ni Inay si Jack na umupo sa labas.

Tumakbo si Jack sa kusina at lumabas sa balkonahe. Ibinalabag niya ang pinto nang napakalakas. Lumakad-lakad siya nang pabalik-balik. Galit siya!

At malungkot siya. Naisip niya na sana hindi na lang siya sinigawan ni Inay.

Siya ay tumigil at tumingin sa mga kotse sa ibaba ng apartment. Pinanood niya ang mga dumadaang maliliit na kotse at malalaking bus. Naisip niya na sana hindi na lang niya sinigawan si Inay. Hindi niya dapat tinukso si Harper. O inaway si Adam. Hindi gaanong magaganda ang kanyang mga pagpili ngayong araw.

Napabuntong-hininga si Jack. Siya ay muling tumingin sa kalsada at nagbilang ng mga kotse.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto ng balkonahe. Dumating si Inay.

“Jack?” marahan na sabi niya. Lumabas siya at isinara niya ang pinto. Siya ay tumayo sa tabi ni Jack at tumingin din sa mga kotse.

“Patawad po hindi ako nakinig sa inyo,” sabi ni Jack. “At patawad din po hindi ako naging mabait. Mapapatawad po ba ninyo ako?”

mom hugging son

“Siyempre naman.” Niyakap nang mahigpit ni Inay si Jack. “Patawad sinigawan kita. Natututo pa rin ako tulad mo, at kung minsan ay nagkakamali ako.”

Niyakap nang mahigpit ni Jack si Inay.

“Sumubok tayong muli,” sabi ni Inay.

Sinundan niya si Jack pabalik sa loob. Tinulungan niya si Jack na damputin ang mga baso. Tinulungan nila si Harper na hanapin ang kanyang kumot. Pagkatapos ay naglaro sila kasama sina Adam at Harper. Nang magalit si Adam dahil sa pagkatalo, hindi nagalit pabalik si Jack. Nginitian siya ni Inay. Sila ay sama-samang natututo at sumusubok.

Friend Magazine, Global 2021/06 Jun

Mga paglalarawan ni Bob Monahan