Ipakita at Ikuwento
Binabasa ko ang mga banal na kasulatan kasama ang aking pamilya sa gabi. Gustung-gusto kong sinusunod ang propeta.
Méline L., edad 7, Auvergne-Rhône-Alpes, France
Naglakad ako nang 5 km (3 milya) upang makapagpalaganap ng kamalayan tungkol sa mga taong walang tirahan at makalikom ng pera para sa kanila. Masarap sa pakiramdam na nakapaglingkod ako!
Finn L., edad 9, Alberta, Canada
Gustung-gusto kong tinutulungan ang aking kapatid na lalaki sa kanyang takdang-aralin. Mahal ko ang aking kapatid.
Angel at Ammon K., edad 10 at 6, Dar es Salaam, Tanzania
Ang pagbabasa ay sobrang saya! Gustung-gusto kong binabasahan ang aking kapatid na babae.
Rowan J., edad 6, Pennsylvania, USA
Nilagari ng aming ama ang isang piraso ng kahoy upang magkaroon ito ng isang kakatwang hugis. Ginawa namin itong isang kalasag na PAT. Pinapaalalahan kami nito na piliin ang tama!
Merry, Ara, at Elias A., edad 7, 9, at 5, Cheshire, England
Ang pananalangin sa Ama sa Langit tuwing gabi ay tumutulong sa akin na mas mapalapit sa Kanya.
Zoey L., edad 11, California, USA
Natutuhan namin kung paano gumawa ng tinapay para sa sakramento noong nagsisimba kami sa bahay. Binasbasan at ipinasa ng aking ama at mga kapatid na lalaki ang sakramento. Masaya ako na mayroong mabubuting halimbawa sa aking pamilya.
Mitchell M., edad 9, Arizona, USA
Atticus H., edad 11, Aichi, Japan
Esther V., edad 6, Guayas, Ecuador
“Kapitan Moroni,” Thayne T., edad 10, Utah, USA
Sarah W., edad 10, Tennessee, USA
“Aklat ni Mormon,” Adam at Levi S., edad 11 at 7, Victoria, Australia