Isang Pangarap para kay Dieter
Hango sa “Call for Heroes!” ni Elder Dieter F. Uchtdorf. (BYU-Pathway Worldwide devotional, Hul. 14, 2020, byupathway.org/devotionals).
Noong bata pa siya, gustung-gusto ni Elder Dieter F. Uchtdorf na panoorin ang mga eroplano. Pinangarap niyang magpalipad ng isa sa malalaking eroplanong iyon.
Balang-araw, gusto kong maging piloto.
Ngunit walang gaanong pera ang pamilya ni Dieter. Naging mga refugee sila at kinailangan nilang lisanin nang dalawang beses ang kanilang tahanan para pumunta sa isang bagong bansa.
Habang naglalaro ang ibang mga bata, nagtrabaho si Dieter bilang tagahatid para tulungan ang kanyang pamilya.
Kung minsan parang imposible ang kanyang pangarap!
Ngunit habang lumalaki siya, nagsumikap si Dieter na makamit ang kanyang mga pangarap. May pananampalataya siya na matutulungan siya ng Ama sa Langit.
Sumali siya sa hukbong panghimpapawid at nagsanay para maging pinakamagaling na piloto na maaari niyang kahinatnan.
Sa wakas ay naabot niya ang kanyang pangarap. Nagpalipad siya ng malalaking eroplano nang maraming taon!
Siguro iniisip mo kung posible rin ang iyong mga pangarap.
Maaaring hindi madali, ngunit magagawa mo ito.
Maaari kang humarap sa mga hamon, ngunit palalakasin ka ng mga ito. Kasama mo ang Diyos sa bawat hakbang!
“Magsikap nang husto. Manampalataya. Umasa. Magtiwala sa Diyos. Dapat mong malaman na kung gagawin mo ang iyong bahagi, magiging maayos ang lahat.”