Hulyo 2021 Minamahal na mga KaibiganKasama sa pahinang ito ang isang liham mula sa mga kawani at ang mga isinumite ng mga bata tungkol sa paraan kung paano nila binabasa ang Kaibigan. Henry B. EyringAng Plano ng Kaligayahan ng Ama sa LangitIpinaliwanag ni Pangulong Henry B. Eyring ang mga dahilan ng Ama sa Langit sa paglikha ng plano ng kaligtasan at kung paano makahahanap ng kaligayahan sa pagpili ng tama. Kasama rin dito ang isang pahinang kukulayan. Richard M. RomneyBagong Resipe ni WinfredNalaman ni Winfred na ang paglilingkod sa iba ay tumutulong sa kanya na maging masaya. Masasayang Oras ng Banal na KasulatanAng mga lesson at aktibidad sa home evening batay sa mga lesson ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa bawat linggo ng buwan. Para sa Doktrina at mga Tipan 76–84. Mary YangIsang Ipinagpalibang BiyaheAng ama ni Freddie ay nagpunta sa South Korea dahil may malubhang sakit ang lolo ni Freddie. Gustong sumama ni Freddie sa kanyang ama, ngunit walang sapat na pera ang kanyang pamilya. Kaya sa halip ay araw-araw siyang nanalangin para sa kanyang lolo. Bumisita si Elder Andersen sa ThailandAlamin ang tungkol sa pagbisita ni Elder Andersen sa Thailand. Hanapin Ito!Hanapin ang mga nakatagong bagay sa larawan. Kilalanin si Eta mula sa American SamoaKilalanin ang isang batang babae mula sa American Samoa na tumutulong tulad ni Jesus. Si Jesucristo ay Nagbahagi sa IbaSi Jesus ay nagbahagi ng tinapay at isda sa Kanyang mga disipulo at sinabihan Niya sila na tumulong sa iba. Magtakda ng mithiin na magbahagi sa iba. Charlotte LarcabalIsang Pangarap para kay DieterIsang kuwentong komiks na naglalarawan ng paglalakbay ni Elder Dieter F. Uchtdorf sa pagiging piloto at kung paanong ang mga bata ay maaaring maging anuman ang gusto nilang kahinatnan. Mga Kard ng Kasaysayan ng SimbahanAlamin ang tungkol kina Joseph F. Smith, na pamangkin ni Joseph Smith at kalaunan ay ang propeta, at Ma Naoheakamalu Manuhii, na nag-alaga kay Pangulong Smith habang ito ay isang missionary sa Hawaii. Mga Pioneer Noon at NgayonHanapin ang mga pagkakaiba sa pagitan ng dalawang retratong ito ng mga pioneer. Sheila KindredMga Lihim at Sorpresa“Iniligtas” ng isang batang babae ang papel na manika mula sa isang tindahan at napagtanto niya na ninakaw niya pala ito. Nagpasiya siya na umamin sa kanyang ina sa halip na itago ang lihim na ito. Natutuhan din niya ang pagkakaiba ng lihim at ng sorpresa. Protektahan ang Iyong SariliAng magagawa at sasabihin ng mga bata para panatilihing ligtas ang kanilang sarili mula sa mga tao at mga bagay na maaaring hindi sila komportable. Hinihikayat din ang mga bata na isipin kung sino ang makakausap nila kung may maling nangyayari. Aking Nadarama ang Pag-ibig ni CristoIsang pinasimpleng bersyon ng awitin mula sa Aklat ng mga Awit Pambata. Board Game ng Plano ng KaligtasanIsang larong ginawa upang ituro sa mga bata ang tungkol sa plano ng kaligtasan at maghikayat sa kanilang piliin ang karapatang marating ang kahariang selestiyal. Juan Pablo VillarIniligtas sa Gitna ng mga Bato sa IlogSi Elder Juan Pablo Villar ng Pitumpu ay nagbahagi ng kuwento tungkol sa kung paano siya naipit sa gitna ng ilang bato hanggang sa matagpuan at matulungan siya ng kanyang kuya na makalabas. Pinatotohanan niya na “tutulungan … tayo [ni Jesus] na makalabas sa panganib.” Larong MemoryaPag-aralan ang larawan at tingnan kung ano ang maaalala mo. Ipakita at IkuwentoMga isinumite ng mga bata mula sa iba’t ibang panig ng mundo na nagbabahagi tungkol sa mga personal na karanasan na may mga paksang mula sa pagbibinyag hanggang sa paglilingkod at pamilya. Matt at MandyNagpapatotoo si Mandy tungkol sa Biblia at sa Aklat ni Mormon sa kanyang kaibigang Kristiyano. Batay sa ikawalong Saligan ng Pananampalataya. Para sa mga mas Nakatatandang BataKasama sa pahinang ito ang isang mungkahi para sa paghahandang makapunta sa templo, isang ideya sa family history, at isang isinumite ng isang bata tungkol sa kung gaano siya kasabik na matapos ang itinatayong templo sa hindi kalayuan. Nancy Harward, Lucy Stevenson EwellVaha’i TongaSi Vaha’i ay naging halimbawa sa kanyang mga kaibigan sa boarding school kaya tumigil silang tuksuhin siya dahil sa pananalangin. Nagsimula pa silang magdasal at sumama sa kanya sa simbahan, at ang ilan ay nabinyagan! Tapang na Manindigang Mag-isaIsang pahinang idinisenyo para mapagsulatan at mapagdrowingan ng mga bata ng kanilang mga sariling kuwento. Hinihikayat din nito ang mga bata na isipin kung ano ang kanilang gagawin sa hinaharap. Sarah F.Pumarito Ka, Sumunod ka sa Akin sa Panahon ng COVIDNoong kasagsagan ng pandemya, nalaman ni Sarah na mahalagang gawin ang pagdarasal sa anumang uri ng pag-aaral, at kabilang dito ang bago magsimulang gawin ang takdang aralin. Juliann Tenney DomanAng Tanong ng KatapatanHinirang si Christy para sa isang gawad sa paaralan, pero hindi niya maisip ang mga sagot sa survey. Nagsinungaling siya sa isa sa kanyang mga sagot at nalungkot, kaya bumalik siya sa eskuwela para humingi ng paumanhin. Idrowing ang Isang BayanAng mga missionary na ito ay naglalakad sa bayan at naghahanap ng mga taong maaari nilang turuan. Tulungan sila sa pamamagitan ng pagdrowing ng kanilang bayan at ng ilang tao na maaari nilang kausapin! Para sa Maliliit na Kaibigan Pagtulong sa PalengkeTinulungan ni Marta ang isang matandang lalaki na hanapin ang nawalang aso nito. Maganda ang pakiramdam niya kapag tumutulong siya sa iba. Kasama rin dito ang isang aktibidad kung saan naghahanap ang mga bata ng ibang tao na matutulungan ni Marta. Isang Pangitain ng Plano ng DiyosIsang iginuhit na bersyon na nagpapakita na tinatanggap nina Joseph Smith at Sidney Rigdon ang pangitain tungkol sa plano ng kaligtasan at kung ano ang kahulugan nito sa lahat ng tao sa mundo. May Plano ang Ama sa Langit para sa AkinIsang pahinang kukulayan na partikular na nilayon para sa maliliit na bata at nakasentro sa plano ng kaligayahan ng Ama sa Langit. Lori Fuller SosaAng Paboritong Trabaho ni TomoshiSumasama si Tomoshi sa kanyang ina upang diligan ang mga bulaklak sa gusali ng simbahan linggu-linggo. Ito ang paborito niyang gawin dahil nakakakita siya ng lahat ng uri ng magagandang bagay sa daan papunta sa simbahan. Wendy EllisonMaliliit na BagayKahit ang maliliit na bata ay makakagawa ng mga bagay na makatutulong sa kanilang matuto tungkol sa ebanghelyo. Isang maikling tula na may aksyon para sa bawat linya. Masayang Oras na Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan para sa Maliliit na AnakAng mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo. Partikular na ginawa para sa nakababatang mga anak. Para sa Doktrina at mga Tipan 76–84. Minamahal na mga MagulangIsang paalala sa mga magulang na humihikayat sa kanila na protektahan ang kanilang mga anak mula sa pang-aabuso.