2021
Board Game ng Plano ng Kaligtasan
Hulyo 2021


Board Game ng Plano ng Kaligtasan

board game showing different parts of the plan of salvation

Gawin ang larong ito para matutuhan ang tungkol sa plano ng Ama sa Langit. Gumamit ng mga monggo o barya bilang pato. Para makapaglaro, kumuha ng dice o pumili ng isang numero at iusad ang iyong pato ayon sa mga bilang ng puwang. Kapag ang unang tao ay dumaan sa isang bituin, basahin ang bubble. Sa susunod na may isang taong dadaan sa bituing iyon, gawin ang aktibidad.

  • Buhay bago ang mortal na buhay: Nabuhay tayo sa piling ng ating mga magulang sa Langit. Pinili nating sundin si Jesucristo at pumarito sa lupa.

    Kantahin ang isang awitin tungkol sa ating ugnayan sa Ama sa Langit.

  • Lupa: Naparito tayo sa lupa upang magkaroon ng katawan, matuto, at umunlad. Maaari tayong pumili sa pagitan ng tama at mali.

    Basahin ang Alma 34:32.

  • Pagbabayad-sala ni Cristo: Pumarito si Jesucristo sa lupa at namuhay nang perpekto. Alam Niya ang ating mga pasakit. Nagbayad-sala siya para sa atin upang tayo ay makapagsisi.

    Awitin ang “Isinugo, Kanyang Anak” (Aklat ng mga Awit Pambata, 20).

  • Daigdig ng Espiritu: Pagkatapos nating mamatay, patuloy na namumuhay ang ating mga espiritu. Ang mga taong hindi natutuhan ang tungkol sa ebanghelyo sa lupa ay maaaring matutuhan ito rito.

    Basahin ang Alma 40:11.

  • Pagkabuhay na Mag-uli: Dahil nagbangon si Jesus mula sa mga patay, lahat tayo ay mabubuhay na muli! Ang ating katawan at espiritu ay magkasamang babalik.

    Awitin ang “Si Jesus ba ay Nagbangon?” (Aklat ng mga Awit Pambata, 45).

  • Kahariang selestiyal: Dahil kay Jesucristo, maaari tayong maging katulad ng ating Ama sa Langit at makapiling ang ating pamilya magpakailanman.

    Basahin ang Doktrina at mga Tipan 76:70.