2021
Masasayang Oras ng Banal na Kasulatan
Hulyo 2021


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Masayang Oras sa Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Ang mga ideyang ito ay naaayon sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—para sa mga Indibiduwal at Pamilya bawat linggo.

picture of a board game

Ang Plano ng Kaligtasan

Para sa Doktrina at mga Tipan 76

  • Awitin ang “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78).

  • Ipinakita ni Jesucristo kay Joseph Smith ang isang pangitain tungkol sa plano ng Diyos para sa atin (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 76). Tinatawag natin ang planong ito bilang plano ng kaligtasan o plano ng kaligayahan. Mababasa ang iba pa tungkol dito sa pahina 2.

  • Ngayon ay gawin ang laro sa pahina 24 kasama ang iyong pamilya. Tulungan ang lahat na makapasok sa kahariang selestiyal!

children tossing a ball to each other

Laro ng Pasasalamat

Para sa Doktrina at mga Tipan 77–80

  • Awitin ang “Mga Pagpapala ay Bilangin” (Mga Himno, blg. 147).

  • Itinuro sa atin ni Jesus na “[tumanggap] ng lahat ng bagay nang may pasasalamat” (Doktrina at mga Tipan 78:19). Ibig sabihin nito ay ang magpasalamat sa anumang mayroon tayo.

  • Gawin ang laro ng pasasalamat! Nakatayo ang isang tao habang nakaupo ang iba sa isang bilog. Ang mga nasa bilog ay magpapasa ng isang bagay (tulad ng isang laruan) sa bilis na kaya nila. Kapag sinabi ng nakatayong kalahok na, “Hinto!” ang taong may hawak ng bagay ay magsasabi ng pinasasalamatan nila. Pagkatapos ay tatayo ang taong iyon sa susunod na round.

handprints made into a tree shape

Mga Salitang Nakapapanatag

Para sa Doktrina at mga Tipan 81–83

  • Awitin ang “Ako Ba’y May Kabutihang Nagawa?” (Mga Himno, blg. 135).

  • Itinuro ni Jesus na dapat nating “itaas ang mga kamay na nakababa” (Doktrina at mga Tipan 81:5). Ibig sabihin nito ay tulungan ang iba at hikayatin sila kapag sila ay malungkot o napapagod.

  • Gumawa ng matulunging kamay! Bakatin ang hugis ng inyong kamay sa isang papel, at gupitin ito. Isulat ang isang bagay dito na gagawin mo para tulungan ang iba at pagkatapos ay isabit ito kung saan mo ito makikita. Kung gusto mo, maaari mong pagsama-samahin ang kamay ng iyong pamilya para gumawa ng matulunging kamay!

cutout handprint shaped into a flower

Mga Papel na Lirio

Para sa Doktrina at mga Tipan 84

  • Kantahin ang “Aking Nadarama ang Pag-ibig ni Cristo,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 42–43).

  • Sinabi ni Jesus na “wariin ninyo ang mga lirio sa parang,” (Doktrina at mga Tipan 84:82). Kung aalagaan ng Ama sa Langit ang mga bulaklak, maaari tayong magtiwala na pangangalagaan Niya tayo! (Tingnan sa Doktrina at mga Tipan 84:83–85.)

  • Gumawa ng papel na lirio para ipaalala sa iyo ang pagmamahal at pagmamalasakit ng Ama sa Langit. Bakatin ang hugis ng inyong kamay sa isang papel, at gupitin ito. Bilugin ang hugis kamay sa isang apa. Pagkatapos ay bilugin ang bawat “daliri” sa isang lapis upang kulotin ang papel palabas para sa mga talulot. Kung nais mo, maaari mong iteyp ang iyong bulaklak sa isang patpat upang makabuo ng isang sanga.

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill