2021
Kilalanin si Eta mula sa American Samoa
Hulyo 2021


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Eta mula sa American Samoa

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

girl jumping in air

Lahat ng tungkol kay Eta

Various Illustrations of Eta with her family - Jesus Christ - House - Purple Pencils - Fries - Math Equation

Edad: 9

Mula sa: American Samoa

Mga Wika: Ingles at nag-aaral ng wikang Samoan

Pamilya: Inay, Itay, dalawang kapatid na lalaki, at isang kapatid na babae

Mga mithiin at pangarap: 1) Magmisyon. 2) Ikasal sa templo. 3) Magtapos sa kolehiyo. 4) Mangasiwa sa panaderya ng kanyang Inay.

Ang mga Matulunging Kamay ni Eta

two sisters baking together

Ang inay ni Eta ay may panaderya na nagbebenta ng mga panghimagas sa kanilang isla. Si Eta at ang kanyang ateng si Talai ay natutuwang mamigay sa kanilang mga guro at lider at sa mga taong maaaring nahihirapan sa buhay. Kung minsan ay bumibiyahe sila kasama ang kanilang inay at ibinibigay ang mga cookies at iba pang pagkain sa mga taong nakikita nila sa kalye. Pinasasaya nito ang mga tao, at pinasasaya rin nito sina Eta at Talai na mamahagi. Mas nagagalak pa sila sa pagbabahagi ng mga pagkain mula sa bakery kaysa sa pagkain nila ng mga ito! Pareho silang nag-aaral na maghurno bilang isa sa kanilang mga mithiin sa Mga Bata at Kabataan sa taong ito, kaya palagi silang may minatamis na maibabahagi.

Sabi ni Eta, “Mahilig akong magbahagi sa iba dahil pinasasaya sila ng mga ito, at pinasasaya ako nito. Alam kong iyon ang nais ipagawa sa atin ng Ama sa Langit.”

Mga Paborito ni Eta

Lugar: Ang mga tide pool sa kanyang isla, kung saan niya gustong lumangoy

Kuwento tungkol kay Jesus: Noong Siya ay nabuhay na mag-uli

Awit sa Primary: “Dito ay May Pag-ibig” (Aklat ng mga Awit Pambata, 102–3).

Pagkain: Fries

Kulay: Lila

Klase sa paaralan: Matematika

Friend, July 2021

Mga Paglalarawan ni Sammie Francis