2021
Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan
Hulyo 2021


Mga Kard ng Kasaysayan ng Simbahan

Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at lagyan ng pandikit upang maisara.

cut-out card of Joseph F. Smith

Joseph F. Smith

1838–1918

“Ang katotohanan ay maninindigan, ang katotohanan ay mananatili.”

  • Anak siya ni Hyrum Smith. Namatay ang kanyang mga magulang noong bata pa siya.

  • Sa edad na 15, tinawag siyang magmisyon sa Hawaii. Kung minsan ay nakadarama siya ng takot at lungkot. Ngunit nakahanap siya ng mga taong tumulong sa kanya.

  • Kalaunan ay nagmisyon siya sa England at nagkaroon ng dalawa pang mission sa Hawaii.

  • Siya ay naging propeta. Sinabi niya na isang templo ang itatayo sa Hawaii.

cut-out card of “Ma” Naoheakamalu Manuhii

“Ma” Naoheakamalu Manuhii

1832–1919

“Kinupkop niya ako at naging parang aking ina.”

  • Sumapi siya at ang kanyang asawa sa Simbahan sa Hawaii.

  • Nagmalasakit siya kay Joseph F. Smith noong magkasakit ito bilang isang batang missionary.

  • Noong si Joseph F. Smith ang propeta, nangako ito sa kanya na makikita pa niyang naitayo ang templo sa Hawaii sa buhay na ito.

  • Nang matapos ang templo sa Hawaii, nakapasok siya sa loob at nabuklod.

cut-out cards

Mga paglalarawan ni Brooke Smart