Pagtulong Tulad ni Jesus
Si Jesucristo ay Nagbahagi sa Iba
Matapos mabuhay na mag-uli si Jesus, nakita Niya ang Kanyang mga disipulo na nangingisda sa isang bangka. Hindi sila makahuli ng isda. Sinabihan sila ni Jesus na ihulog ang kanilang lambat sa kabilang bahagi ng bangka. Sa dami ng nahuli nilang isda, sobrang bigat na ng kanilang lambat! Pagkatapos ay sumama ang mga disipulo kay Jesus sa lupa. Umupo sila sa tabi Niya malapit sa apoy. Si Jesus ay nagbahagi ng tinapay at isda sa kanila. Tinanong Niya si Pedro, “Minamahal mo ba ako?” Pagkatapos ay sinabi Niya, “Pakainin mo ang aking mga tupa.” Ang ibig sabihin niyon ay nais Niyang ibahagi ni Pedro ang ebanghelyo sa iba. Makapagpapakita tayo ng pagmamahal kay Jesus sa pamamagitan ng pagbabahagi sa iba, tulad ng ginawa Niya.
Tumulong akong gumawa ng cookies para sa mga bago naming kapit-bahay. Wikang Arabe lang ang sinasalita ng babae, ngunit inanyayahan niya kaming pumasok. Nakapaggugol kami ng oras nang magkakasama at nakilala namin ang isa’t isa kahit hindi pareho ang wikang sinasalita namin. Napakabait niya, at naging maganda ang pakiramdam ko dahil dito.
Grayson C., edad 5, Abu Dhabi, United Arab Emirates