Protektahan ang Iyong Sarili
Dapat mong tratuhin nang may kabaitan at paggalang ang lahat ng anak ng Ama sa Langit. Dapat mo ring asahan ang iba na tratuhin ka sa gayon ding paraan. Kung may isang taong gusto kang saktan sa salita o gawa, hindi ito OK!
Kung nadarama mong hindi ka ligtas …
-
Magsabi ng hindi.Hindi mo kailangang gumawa ng anumang mali o gawaing hindi ka komportable. OK lang na magsabi ng hindi.
-
Pakinggan ang iyong mga damdamin. Binibigyan tayo ng Espiritu Santo ng mga tahimik na babala upang tulungan tayo na manatiling ligtas. Kung pakiramdam mo ay mali ang isang bagay, huwag kang sumali, at sikaping lumayo kung kaya mo.
-
Huwag magtago ng masasakit na lihim. May kaibhan sa pagitan ng masayang sorpresa at masakit na sikreto. Hindi mo dapat panatilihing lihim ang isang masakit na bagay, kahit na nangako ka.
-
Magkuwento sa isang pinagkakatiwalaan mong nasa hustong gulang na. Kung may masamang nangyari o natatakot ka, sabihin sa isang tao na agad na makakatulong sa iyo, tulad ng isang magulang, guro, o lider ng Simbahan.
Sino ang makakausap mo kapag may problema ka? Gumawa ng isang listahan ng mga pinagkakatiwalaang tao rito: