Mula sa Unang Panguluhan
Patatagin ang Inyong Pananampalataya
Hango sa Facebook, Mar. 15, 2021, facebook.com/dallin.h.oaks.
Ang pagsampalataya sa Ama sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, ay tutulong sa inyo araw-araw. Paano mo mapapatatag ang iyong pananampalataya?
-
Lumuhod at manalangin sa simula at katapusan ng bawat araw, kasama ang inyong pamilya kung maaari. Pasalamatan ang Ama sa Langit para sa lahat ng inyong mga pagpapala, lalo na sa Kanyang Anak na si Jesucristo.
-
Pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw.
-
Panibaguhin ang inyong mga tipan sa pamamagitan ng pakikibahagi sa sakramento.
-
Sundin ang mga kautusan at pagsisihan ang inyong mga kasalanan.
-
Sundin ang propeta.
Sa paggawa ninyo ng mga bagay na ito, lalago ang inyong pananampalataya. Gagabayan kayo ng Espiritu Santo sa landas ng tipan pabalik sa inyong tahanan sa langit.
Mga Building Block ng Pananampalataya
Ang pagsunod sa propeta ay isang mahalagang paraan para patatagin ang inyong pananampalataya. Isulat ang iba pang mga paraan sa mga hugis. Pagkatapos ay gupitin ang mga ito at sundan ang huwaran para makapagtayo ng templo.