Masasayang Bagay
Kababaihan sa Lumang Tipan
Itugma ang bawat pangalan sa tamang paglalarawan.
-
Ako ang unang babae sa mundo. Ang asawa ko ay si Adan. Tumira ako sa Halamanan ng Eden. (Tingnan sa Genesis 3:20.)
-
Isang lalaki ang humingi sa akin ng tubig mula sa isang balon. Binigyan ko siya ng tubig at ang kanyang 10 kamelyo. Pagkatapos ay sumama ako sa kanya para makilala ang isang lalaking nagngangalang Isaac. Si Isaac ang naging asawa ko. (Tingnan sa Genesis 24:15–19, 64–67.)
-
Nagkaproblema ang mga tao ko. Hiniling ko sa kanila na manalangin at mag-ayuno para sa akin. Pagkatapos ay hiniling ko sa asawa ko, ang hari, na iligtas sila. Nakinig siya, at naligtas ang aking mga tao. (Tingnan sa Esther 7:2–4.)
-
Wala akong mga anak sa loob ng maraming taon. Nangako ang Panginoon na magkakaroon ako ng anak na lalaki. Nanampalataya ako at nagtiyaga. Biniyayaan ako ng Panginoon ng isang anak na lalaki na ang pangalan ay Isaac. (Tingnan sa Genesis 21:1–3.)
-
Ako ay isang hukom at propetisa. Tinulungan ko ang mga Israelita na mas mapalapit sa Diyos. Kumanta ako ng isang awitin para purihin ang Diyos matapos Niyang tulungan ang mga tao. (Tingnan sa Mga Hukom 4:4; 5:1–2.)
-
Nang mamatay ang anak ko, inalagaan ako ng kanyang asawang si Ruth. Nang muling mag-asawa si Ruth at nagkaroon ng anak, tumulong ako sa pag-aalaga sa kanyang anak. (Tingnan sa Ruth 1:8, 14–18.)
-
Rebeca
-
Esther
-
Debora
-
Noemi
-
Sara
-
Eva