Pagtulong na Tulad ni Jesus
Pinakain ni Jesus ang mga Nagugutom
Isang araw tinuruan ni Jesucristo ang isang grupo ng mahigit 5,000 tao. Nang medyo pagabi na, gusto ng mga disipulo na pauwiin na ang mga tao. Ayaw ni Jesus na umalis sila. Gusto Niyang pakainin sila. Pero mayroon lang silang limang tinapay at dalawang isda.
Binasbasan ni Jesus ang pagkain. Pagkatapos ay ipinasa-pasa ito ng mga disipulo. Lahat ay nakakain nang sapat. Himala iyon!
Isang grupo ng mga batang lalaki sa Utah, USA, ang nag-organisa ng sock drive para tulungan ang mga lokal na kawanggawa na naglilingkod sa mga taong walang tahanan. Namigay sila ng mga flyer. Pagkatapos ng ilang araw, nangolekta sila ng mga medyas at pera para makabili ng marami pang medyas. Nakapagbigay sila ng 750 pares ng mga medyas!