Tayong lahat, kung minsan ay may mga tanong. Kung hahanapin natin ang mga sagot nang may pananampalataya, matutulungan tayo ng mga ito na matuto at mas mapalapit sa Ama sa Langit. Maging bukas sa mga tanong ng inyong mga anak tungkol sa ebanghelyo. Turuan sila kung paano manalangin para makatanggap ng sagot at pagkatapos ay hanapin ang mga ito sa mabubuting lugar. Tulungan silang magtiwala na sasagot ang Ama sa Langit sa Kanyang sariling panahon at paraan. Maaari kayong magsimula sa ilang ideya mula sa mga pahina 38–40.