Mga Kard tungkol sa mga Bayani sa Banal na Kasulatan
Gupitin ang mga kard, itupi sa tulduk-tuldok na linya, at pagdikitin ng teyp ang mga ito.
Ana
“Aking ibinubuhos ang aking kaluluwa sa harapan ng Panginoon.”
-
Mayroon siyang pananamanpalataya. Nagdasal siya na magkaroon ng anak.
-
Nangako siya sa Diyos na kung magkakaroon siya ng anak, maglilingkod ito sa templo.
-
Sinagot ang kanyang mga dalangin! Nagkaroon siya ng anak na ang pangalan ay Samuel. Naglingkod siya sa templo.
Samuel
“Tinawag [siya] ng Panginoon: at sumagot siya.”
-
Siya ay pinalaki sa templo. Tinawag siya ng Diyos na maging propeta noong bata pa siya.
-
Natuto siyang makinig sa tinig ng Diyos. Sabi niya, “Narito ako.”
-
Tinuruan niya ang mga tao na magsisi at manampalataya.