Ano ang Iniisip Mo?
May ilang tanong ako tungkol sa Simbahan na talagang nakakabahala sa akin. Ano ang gagawin ko?
—Nababagabag sa Trinidad
Mahal kong Nababagabag,
Walang mali sa pagkakaroon ng mga tanong. Bahagi iyan ng paraan kung paano tayo matututo, lalago, at magkakaroon ng patotoo. Pero mahalagang hanapin ang mga sagot sa mga lugar na mapagkakatiwalaan mo. Narito ang ilang bagay na maaari mong gawin para makahanap ng magagandang sagot sa iyong mga tanong. Tutulungan ka ng Ama sa Langit sa mga tanong mo. Mahal ka Niya! At mahal ka rin namin.
Ang Kaibigan
Manalangin.
Sabihin sa Ama sa Langit ang tungkol sa tanong mo at humingi ng tulong sa Kanya.
Tanungin ang isang magulang o lider.
Kausapin ang isang taong mayroong patotoo. Matutulungan ka nilang maghanap ng magagandang lugar para hanapin ang mga sagot, tulad sa mga banal na kasulatan o sa ChurchofJesusChrist.org.
Makinig sa Espiritu Santo.
Bigyang-pansin ang nadarama mo kapag nagdarasal ka, nagsisimba, at tumutulong sa iba. Ang isang paraan na nangungusap sa atin ang Ama sa Langit ay sa pamamagitan ng payapa at masayang damdamin mula sa Espiritu Santo.
Huwag sumuko.
Tandaan na OK lang kung wala kang makukuhang sagot kaagad. Unti-unti tayong tinuturuan ng Ama sa Langit. Patuloy na gumawa ng mabubuting bagay at magtiwala na tutulungan ka Niya.