2022
Hello mula sa Cambodia!
Hunyo 2022


Hello mula sa Cambodia!

Samahan sina Margo at Paolo habang naglalakbay sila sa iba’t ibang panig ng mundo para malaman ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit.

Ang Cambodia ay isang bansa sa Timog-Silangang Asia. Mahigit 15 milyon ang mga tao rito.

Payapang Paglalayag

boy and girl on a colorful boat

Gumagamit ang mga tao ng mga bangka na tinatawag na sampan para maglakbay sa mga ilog at lawa.

Mga Kaibigan sa Ibang Relihiyon

Buddhist monks in orange robes

Mahigit 95 porsiyento ng mga tao sa Cambodia ang sumusunod sa isang relihiyon na tinatawag na Buddhism. Ang mga Buddhist monk na ito ay nagsusuot ng kulay orange na damit para ipakita ang kanilang pananampalataya.

Isang Opisyal na Wika

Church sign in Khmer

Ito ang pangalan ng Simbahan sa Khmer, ang opisyal na wika ng Cambodia.

Katulong sa Pag-aani

girl helping in rice field

Ang bigas ay isa sa mga pangunahing pagkain ng Cambodia. Ang batang babaeng ito ay tumutulong sa pag-ani ng bigas sa isang bukirin na tinatawag na paddy.

Unang Templo

drawing of temple in Cambodia

Ang unang templo sa Cambodia ay ibinalitang itatayo noong Oktubre 2018. Napakasaya ng mga miyembro ng Simbahan doon!