2022
Drama sa Likod ng Entablado
Hunyo 2022


Isinulat Mo

Drama sa Likod ng Entablado

girl seeing kids talking by stage

Medyo pilyo ang mas bata kong kapatid na lalaki, magaling ang imahinasyon, at may malasakit sa iba. Isa siya sa pinakamatapat kong tagahanga kapag nagtatanghal ako sa entablado. Mayroon din siyang ilang espesyal na pangangailangan. Napakaliit niya para sa kanyang edad at nahihirapan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita, at kung minsan sa pag-unawa sa iba. Bingi rin siya.

Isang araw habang nagsasanay para sa dula, umakyat ako sa hagdan para makapunta sa entablado. May narinig akong nagsabi ng isang bagay tungkol sa mga batang may kapansanan. Lahat ay nagsimulang magbiro at tumawa tungkol dito.

Alam ko na hindi nila gustong saktan ang damdamin ko, pero talagang nalungkot ako at tumakbo para maghanap ng mapagtataguan. Habang nakaupo ako sa pinagtataguan ko, may isang taong umupo sa tabi ko at nagsimulang makipag-usap sa akin tungkol sa dula. Nagsimulang gumanda ang pakiramdam ko.

Nang oras na para umuwi, sinabi ko sa nanay ko ang nangyari. Sinabi niya sa akin na OK lang na lumayo sa isang bagay na nagdudulot sa akin ng hindi magandang pakiramdam at OK lang na makipag-usap sa isang matanda tungkol sa nadarama ko.

Kung minsan hindi nauunawaan ng mga tao ang pakiramdam ng magkaroon ng espesyal na mga pangangailangan o may makilalang isang tao na may espesyal na pangangailangan. Gusto kong maging halimbawa ng pagmamahal at kabaitan.

Larawang-guhit ni Kristin Sorra