2022
Kilalanin si Septream mula sa Cambodia
Hunyo 2022


Mga Matulunging Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Kilalanin si Septream mula sa Cambodia

Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.

A portrait of an young man with dark hair, wearing a green shirt

Lahat ng tungkol kay Septream

Septream and his family

Edad: 12

Mula sa: Phnom Penh, Cambodia

Mga Wika: Khmer, Ingles

Mga mithiin at pangarap: 1) Tulungan ang Cambodia na maging mas magandang bansa kapag malaki na ako. 2) Magmisyon. 3) Magpunta sa templo.

Pamilya: Septream, Inay, Itay, dalawang kapatid na babae, isang kapatid na lalaki

Ang mga Matulunging Kamay ni Septream

boy cutting up vegetables

Nag-aaral si Septream sa isang malaking lungsod. Kung minsan sa eskuwela napapansin niya ang mga kaibigang walang sapat na pagkain. Kaya hinahatian niya sila ng kanyang meryenda at tanghalian. Sinasabi ni Septream na ang pagtulong sa iba ay nagpapasaya sa kanya. “Dahil dito gusto kong mas marami pang gawin. Masaya ako kapag sinusunod ko si Jesus,“ sabi niya.

Sinabi ni Septream na pinagpapala tayo kapag naglilingkod tayo sa iba. “Kapag gumagawa tayo ng mabuti, pagpapalain tayo ng Diyos. Sinabi ni Jesus na ang paggawa ng mabubuting bagay para sa ibang tao ay tulad ng paggawa ng mabubuting bagay para sa Kanya.”

Mga Paborito ni Septream

pictures of Septream’s favorites

Kuwento tungkol kay Jesus: Nang tinulungan Niya si Pedro na lumakad sa ibabaw ng tubig

Lugar: Tahanan

Awit sa Primary: “Ako ay Anak ng Diyos,” (Aklat ng mga Awit Pambata, 2–3)

Pagkain: Amok (isdang iniluto sa dahon ng saging)

Kulay: Asul

Asignatura sa paaralan: English at history

Page from the June 2022 Friend Magazine.

Mga larawang-guhit ni Lisa Hunt