2022
Kulayan ang Nakababagot na Araw
Hunyo 2022


Kulayan ang Nakababagot na Araw

Napakasayang magbigay ng mga larawan sa mga kapitbahay!

girl sitting and looking grumpy

Daing ni Clara. “Walang magawa!”

Maraming bagay siyang gustong gawin. Pero hindi niya magawa. Gusto niyang mag-swimming. Pero sarado ang swimming pool. Gusto niyang laruin ang kanyang mga laruan. Pero nakaligpit ang mga ito. Gusto niyang makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Pero kalilipat lang ng kanyang pamilya. Ngayon ay nakatira sila sa isang apartment kung saan hindi nila kilala ang kanilang mga kapitbahay.

“Bakit hindi mo kulayan ang isang larawan?” tanong ni Inay.

“Nakakabagot po iyon,” sabi ni Clara.

Pero sumagot ang mas bata niyang kapatid na si Ben. “OK!” sabi niya. Tumakbo siya papunta sa mesa at nakakita ng ilang krayola. Nagdrowing siya ng isang puno at isang dilaw na araw.

“Gusto kong ibigay ito sa kapitbahay natin,” sabi niya.

Sumimangot si Clara. “Pero hindi natin kilala ang mga kapitbahay natin.”

“Eh di, makipagkilala tayo sa kanila!” sabi ni Inay.

Lumabas sa pintuan sa harapan si Ben at si Inay. Kumatok sila sa pinto sa tapat ng pasilyo. Nanood si Clara mula sa pintuan.

Isang babae ang sumagot. Iniabot sa kanya ni Ben ang larawan. Ngumiti ang babae. “Salamat,” sabi niya.

Pinanood ni Clara si Ben na bumalik sa mesa na may malaking ngiti. Siguro nga ayos lang ang magkulay, naisip niya.

brother and sister drawing together

Umupo si Clara sa tabi ni Ben. Pareho nilang kinulayan ang isang larawan. Nagdrowing si Clara ng isang rocket ship at maraming bituin.

Ibinigay nila ang kanilang mga larawan sa dalawa pang kapitbahay. Pagkatapos ay marami pa silang kinulayan. Nagbigay sila ng mga larawan sa buong hapon. Mukhang malungkot ang ilang tao nang sagutin nila ang pinto. Pero nang makita nila ang larawan, ngumiti sila. Nakilala pa nina Clara at Ben ang ilang batang nakatira sa gusali ng apartment.

boy holding butterfly picture and girl holding rocket drawing

Nang tapos na sila, hinawakan ni Clara ang kamay ni Inay. “Ang saya po.”

Ngumiti si Nanay. “Kapag gumagawa tayo ng magandang bagay para sa isang tao, nagpapasaya ito sa kanila. Pinapasaya rin tayo nito. At higit sa lahat, pinapasaya nito ang Ama sa Langit.”

“Siguro bukas puwede nating sabihan ang iba pang mga bata na samahan tayong magkulay,” sabi ni Clara.

“Magandang ideya iyan.”

Ngumiti si Clara. Naging masaya ang pagkukulay at pamimigay ng mga larawan. Ang nakakabagot niyang araw ay naging masaya!