“Ang Pinakadakilang Kapangyarihan,” Kaibigan, Agosto 2024, 2–3.
Mula sa Unang Panguluhan
Ang Pinakadakilang Kapangyarihan
Hango sa “Si Cristo ay Nagbangon; Ang Pananampalataya sa Kanya ay Makapagpapalipat ng mga Bundok,” Liahona, Mayo 2021, 101–4..
Ilang taon na ang nakalipas, binisita namin ni Sister Nelson ang Samoa, Tonga, Fiji, at Tahiti. Bawat isa sa mga islang bansang iyon ay nakaranas ng mga matinding pag-ulan nang ilang araw. Ang mga miyembro ay nagdasal na maprotektahan laban sa ulan ang kanilang mga miting sa labas.
Sa Samoa, Fiji, at Tahiti, nagsisimula pa lamang ang mga miting ay huminto na ang ulan. Pero sa Tonga, hindi tumigil ang ulan. Gayunman 13,000 na matatapat na Banal ang dumating nang maaga para makakuha ng upuan. Matiyaga silang naghintay sa malakas na pagbuhos ng ulan. Pagkatapos ay naupo sila na basang-basa sa miting.
Nakita namin ang malaking pananampalataya ng bawat isa sa mga taga-islang ito—pananampalataya na patigilin ang ulan at pananampalataya na magpatuloy kapag hindi huminto ang ulan.
Ang mga hamon sa ating buhay ay hindi palaging nagbabago sa paraan at panahong gusto natin. Ngunit palagi tayong tutulungan ng ating pananampalataya na sumulong. Tutulungan kayo ng inyong pananampalataya na gawing pagkakataon na umunlad ang mga hamon sa buhay.
Ang pananampalataya kay Jesucristo ang pinakadakilang kapangyarihang matatamo natin sa buhay na ito. Ang lahat ng bagay ay posible sa kanila na nananampalataya.
Pagpapalago ng Iyong Pananampalataya
Tulad ng matutulungan natin ang isang binhi na lumago sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng sikat ng araw, tubig, at matabang lupa, may magagawa tayong mga bagay para tulungang lumago ang ating pananampalataya! Kulayan ang bawat bahagi ng larawan at basahin kung ano ang magagawa mo para mapalakas ang iyong pananampalataya.
-
Alamin ang tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo sa tahanan, sa simbahan, at sa mga banal na kasulatan.
-
Manalangin at humingi ng tulong para malaman kung ano ang totoo.
-
Sundin ang mga kautusan at gumawa ng mabubuting pasiya na tutulong sa iyo na mas mapalapit sa Ama sa Langit.