“Hello mula sa Barbados!” Kaibigan, Agosto 2024, 8–9.
Hello mula sa Barbados!
Alamin ang tungkol sa mga anak ng Ama sa Langit sa buong mundo.
Ang Barbados ay isang isla sa Caribbean. Mga 280,000 katao ang naninirahan doon!
Wika
Ang opisyal na wika sa Barbados ay Ingles. Karamihan sa mga tao sa isla ay nagsasalita rin ng Bajan.
Mga Unang Araw ng Simbahan
Ang unang pamilyang sumapi sa Simbahan sa Barbados ay nabinyagan noong 1978. Ngayon ay mahigit sa 1,000 na ang mga miyembro sa bansa!
Harrison’s Cave
Ito ay malaking kuweba ng apog na dinadaluyan ng tubig. Maaaring pasukin ng mga bisita ang kuweba sakay ng tram at makikita nila ang lahat ng mga hugis ng bato na nabuo sa paglipas ng panahon.
Isang Makulay na Watawat
Ang kulay ginto sa bandila ng Barbados ay kumakatawan sa mga dalampasigan ng isla. Ang asul ay kumakatawan sa dagat at kalangitan ng Barbados.