Kaibigan
Ang mga Kabataang Mandirigma
Agosto 2024


“Ang mga Kabataang Mandirigma,” Kaibigan, Agosto 2024, 26–27.

Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan

Ang mga Kabataang Mandirigma

Mga taong ibinabaon ang kanilang mga sandata sa hukay

Mga paglalarawan ni Andrew Bosley

Gustong sundin ng mga taong tinuruan ni Ammon at ng kanyang mga kapatid si Jesucristo. Ibinaon nila ang kanilang mga sandata at nangako sa Diyos na hindi na sila muling makikipaglaban.

Isang grupo ng mga kabataang lalaki ang lumapit sa isang bahay kung saan nag-uusap ang mga nakatatanda

Pero hindi nagtagal ay kinailangan nilang protektahan ang kanilang mga pamilya. Ayaw ng mga ama na nagbaon ng kanilang mga sandata na sirain ang kanilang pangako sa Diyos. Kaya naghanda ang kanilang mga anak na lalaki na makipaglaban bilang kanilang kapalit. Tinawag silang dalawang libong kabataang mandirigma. Ang ibig sabihin ng stripling ay “bata.”

Binatilyong nagdarasal kasama ang kanyang ina habang ang iba pang mga kabataang lalaki ay nagtitipon na may hawak na mga sandata

Hindi pa kailanman nakipaglaban ang mga kabataang mandirigma sa giyera. Pero tumulong ang kanilang mga ina na ihanda sila at tinuruan silang magtiwala sa Diyos.

Pinamumunuan ni Helaman ang mga kabataang mandirigma sa pagmamartsa
Tinutulungan ng isang binatilyo ang isa pang sugatang binatilyo na maglakad

Pinili nila si Helaman na maging lider nila. Sila ay matatapang, at tinulungan sila ng Diyos. Lahat sila ay nasaktan, pero tinulungan nila ang isa’t isa. Iginalang ng Diyos ang kanilang pananampalataya, at nabuhay silang lahat!