Kaibigan
Ang Bandila ng Kalayaan
Agosto 2024


“Ang Bandila ng Kalayaan,” Kaibigan, Agosto 2024, 24-25.

Alamin ang tungkol sa Aklat ni Mormon

Ang Bandila ng Kalayaan

Hawak ni Kapitan Moroni ang isang espada at ang bandila ng kalayaan

Si Kapitan Moroni ay isang magaling na lider. Sumunod siya sa Diyos. Tinulungan niya ang mga Nephita na protektahan ang kanilang mga pamilya.

Pinunit ni Moroni ang isang piraso ng kanyang balabal para makagawa ng watawat. Sumulat siya rito para tulungan ang mga tao na maalala ang kanilang kalayaan, relihiyon, at kapayapaan. Inanyayahan sila ni Moroni na gumawa ng pangako na protektahan ang kanilang pamilya. Isinabit niya ang watawat sa bawat tore.

Tinawag nila ang watawat na bandila ng kalayaan. Ang bandila ng kalayaan ay nagbigay-inspirasyon sa mga Nephita na manindigan sa tama. (Tingnan sa Alma 46:11–20.)

Hamon sa Banal na Kasulatan

  • Ano ang pumuspos sa kaluluwa ni Alma nang manalangin siya para sa kapatawaran? (Alma 36:20)

  • Ano ang ibinigay ni Kapitan Moroni sa kanyang mga tao para “magsanggalang sa kanilang mga ulo”? (Alma 43:19)

  • Sino ang punong gobernador na sinulatan ni Kapitan Moroni? (Alma 61:1)

Maaari Kong Basahin ang Aklat ni Mormon!

Pagkatapos mong magbasa, kulayan ang bahagi ng larawan. Maaari mong basahin ang mga talatang ito na nauugnay sa babasahin sa bawat linggo mula sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.

Pahinang kukulayan na tungkol sa isang pamilyang Nephita na sama-samang nagdarasal
PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Corey Egbert