Kaibigan
Pagsunod kay Jesus sa Barbados
Agosto 2024


“Pagsunod kay Jesus sa Barbados,” Kaibigan, Agosto 2024, 6–7.

Pagsunod kay Jesus sa Barbados

Kilalanin si Antonio!

Larawan ni Antonio na nasa dalampasigan
Paglalarawan kay Antonio na nakasuot ng pangsimba sa pulpito sa simbahan

Paano Sinusunod ni Antonio si Jesus

Sinusunod ni Antonio si Jesus sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanyang patotoo. Isang araw ng Linggo bago magsimba, nagpasiya si Antonio na magbabahagi siya sa testimony meeting sa araw na iyon. Isinulat niya ang kanyang patotoo sa isang notebook at binasa ito. “Ibinahagi ko ang paniniwala ko na si Jesucristo ay namatay sa krus at mahal Niya ang bawat isa sa atin at nagmamalasakit Siya sa atin,” sabi niya.

Alam ni Antonio na ang pagbabahagi ng kanyang patotoo ay tumutulong sa kanya na madama ang Espiritu Santo. Tinutulungan din siya nito na maging mas malapit sa kanyang lolo na namatay ilang taon na ang nakalilipas. Sabi niya, “Alam ko na sinusuportahan ako ng lolo ko at ng buong pamilya ko, at nakakatulong iyan para lumago ang patotoo ko!”

Si Antonio kasama ang kanyang mga magulang at ang kanyang kuya

Tungkol kay Antonio

Edad: 11

Mula sa: St. Michael, Barbados

Wika: Ingles

Mga Mithiin: 1) Magpunta sa templo para mabinyagan para sa kanyang lolo. 2) Maging piloto. 3) Maging propesyonal na football player.

Mga Libangan: Pagpunta sa beach, paglalaro ng football, at paglalaro ng mga video game kasama ang mga kaibigan niya

Pamilya: Antonio, Inay, Itay, at isang kuya

Mga Paborito ni Antonio

Kuwento sa Aklat ni Mormon: Noong kinuha ni Nephi ang mga laminang tanso mula kay Laban (tingnan sa 1 Nephi 4)

Tradisyon ng Pamilya: Pagkain ng tanghalian kasama ang mga kamag-anak sa Pasko

Bunga: Strawberries

Kulay: Asul

Awitin sa Primary: “Popcorn Popping” (Children’s Songbook, 242)

PDF ng Kuwento

Mga larawang-guhit ni Mike Mullan