“Circle-Toss Game,” Kaibigan, Agosto 2024, 12.
Masasayang Bagay
Circle-Toss Game
Mapaglilingkuran natin ang iba sa pamamagitan ng pagsasali sa kanila! Anyayahan ang isang kaibigan o kapatid na laruin ninyo ito.
-
Bawat manlalaro ay nagdedekorasyon ng apat na paper plate o mga paper circle para masabi nila kung alin ang sa kanilang plate habang naglalaro.
-
Gumamit ng lubid o tali para markahan ang isang malaking bilog sa lupa.
-
Tumayo sa malayo at maghalinhinan sa paghagis ng inyong mga plato sa bilog. Sa bawat pagkakataon, magsabi ng isang paraan na mapaglilingkuran mo ang isang tao. Sinumang makapagpasok sa bilog ng maraming plato ang siyang mananalo!