Kaibigan
Labanan ang Pambu-bully nang May Pagmamahal
Agosto 2024


“Labanan ang Pambu-bully nang May Pagmamahal,” Kaibigan, Agosto 2024, 38.

Isinulat Mo

Labanan ang Pambu-bully nang May Pagmamahal

Batang babaeng nakangiti

Ako si Matilda, at ako ay taga Chile. Mula nang lumipat kami sa ibang bansa, dahil sa ibang mga bata ay napansin ko na naiiba ako sa kanila. Pinagtawanan nila ang kulot kong buhok, ang kulay ng mga mata ko, ang kilay ko, at maging ang kulay ng aking balat. Tinawag nila akong pangit at weirdo at sinabi pa sa akin na mahirap ako dahil iba ang hitsura ko kumpara sa iba.

Tinuruan ako ng nanay ko na tumugon sa bullying nang nakangiti. Maraming beses niyang sinabi na ang mga taong nambu-bully ay malungkot o nabubuhay na taglay ang isang bagay na nakasasakit sa kanila. Itinuro rin niya sa akin na hindi ko kasalanan iyon, at ang pagiging kakaiba ay isang bagay na mabuti at kahanga-hanga. Lumikha ang Diyos ng iba’t ibang uri ng mga bagay sa mundo tulad ng iba’t ibang mga halaman, lugar, at tao. Hindi mahalaga kung ano ang hitsura natin basta’t mabuti ang puso natin.

Mula nang ituro sa akin ng nanay ko na, tuwing binu-bully ako, pag-isipan ko ito at kausapin ang taong nagsasalita ng masasamang bagay. Sinisikap kong pigilan ang sitwasyon. Minsan ay sinabihan ko ang isang kaklase na ang pagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa iba ay makakasakit nang husto. Sinabi ko na hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa iba sa kanilang puso kapag naririnig nila ang masasamang bagay tungkol sa kanilang sarili dahil sa pagiging kakaiba. Simula noong araw na iyon, hindi na ako pinagtatawanan ng kaklase kong iyon, at magkaibigan na kami ngayon.

Sa palagay ko ang paraan na itinuro sa akin ng aking ina na paglaban sa bullying ang pinakamainam na paraan. Tinuruan niya akong makipaglaban nang may pagmamahal, tulad ng gagawin ng Diyos. Sinisikap kong itanong palagi sa sarili ko, “Ano ang gagawin ni Jesucristo sa sitwasyong ito?” Nakatulong ito sa akin na mas mapalapit sa ating Ama sa Langit.

PDF ng Kuwento