Kaibigan
Isang Pamilya sa Buong Mundo
Agosto 2024


“Isang Pandaigdigang Pamilya,” Kaibigan, Agosto 2024, 32–33.

Kaibigan sa Kaibigan

Isang Pamilya sa Buong Mundo

Mula sa isang interbyu kina Bradley Salmond III at Rebekah Jakeman.

Mga batang gumagawa ng iba’t ibang aktibidad, tulad ng paglalaro ng isports, paggawa ng mga craft, at nasisiyahan sa kalikasan

Mga paglalarawan ni Yev Haidamaka

Noong bata pa ako, nagboluntaryo ang mga magulang ko sa iba’t ibang bansa. Gusto ko ring tulungan ang mga tao sa buong mundo. Kaya nang lumaki ako, naging doktor ako. Nakapagtrabaho na ako sa maraming iba’t ibang bansa sa pagtulong sa mga tao. Masaya kami ng pamilya ko na makasama ang mga Banal sa mga Huling Araw sa mga lugar na ito. Napakasaya nila at puno ng pag-asa. At mahal nila si Jesucristo at ang Kanyang ebanghelyo.

Madalas magpunta ang mga anak ko sa Primary kasama ang iba pang mga bata na hindi katulad nila ang hitsura o hindi nagsasalita ng parehong wika. Pero silang lahat ay mga anak ng Ama sa Langit. Kilala at mahal Niya ang bawat isa sa atin. Bahagi tayo ng Kanyang pamilya.

Umaasa ako na alam ninyo na kayong mga bata sa Primary ay bahagi ng napakaespesyal na pamilya sa buong daigdig. Anuman ang mangyari, mahal kayo ng ating Ama sa Langit. Mataas ang inaasam Niya para sa atin—ang maging katulad Niya. Bawat isa sa atin ay may halaga. Kapag nasa atin ang ebanghelyo, ang mga bagay na makapaghihiwalay sa atin, tulad ng ating kultura, wika na ating sinasalita, o kung saan tayo nakatira, ay hindi na makapaghihiwalay sa atin. Dahil makikita natin ang isa’t isa kung sino talaga tayo—mga magkakapatid, mga anak ng Diyos.

Tagahanap ng Kaibigan

Bahagi tayong lahat ng pamilya ng Ama sa Langit! Mahahanap mo ba ang mga bata sa mga larawan na talagang tutugma sa bawat hugis?