“Bakit Natin Tinatawag ang Templo na Bahay ng Panginoon?” Kaibigan, Agosto 2024, 22.
Mga Temple Card
Bakit Natin Tinatawag ang Templo na Bahay ng Panginoon?
Bawat templo ay may nakasulat na mga salitang “Ang Bahay ng Panginoon” malapit sa entrance o pasukan. Ang templo ang bahay ng Panginoon sa mundo, at puspos ito ng Kanyang kapangyarihan. Nangako ang mga propeta na maghahatid sa atin ng mga himala ang Panginoon kapag ginawa nating mahalagang bahagi ng ating buhay ang templo.
Caracas Venezuela Temple
-
Ang Caracas Venezuela Temple ang ika-96 na gumaganang templo.
-
Ito ang pinakaunang templo sa Venezuela!
-
Ang templo ay itinayo nang mahigit isang taon at kalahati lamang.
Abidjan Ivory Coast Temple
-
Inilaan ni Elder Neil L. Andersen ang bakuran sa opisyal na wika ng bansa na French.
-
Ito ang pampitong templo na itatayo sa Africa.
-
Tumulong ang ilang batang Primary sa seremonya ng groundbreaking.