Kaibigan
Mga Aktibidad sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Agosto 2024


“Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin,” Kaibigan, Peb. 2024, 28–29.

Mga Aktibidad para sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Para sa home evening o pag-aaral ng mga banal na kasulatan—o para lang sa paglilibang!

Hulyo 29–Agosto 4

Maliliit na Bagay, Malaking Kaibhan

Iba’t ibang sangkap sa <i>baking</i> na may outline ng nawawalang itlog

Para sa Alma 36–38

Sa tulong ng Ama sa Langit, makagagawa ng malaking kaibhan ang maliliit na bagay (tingnan sa Alma 37:6–7). Tumulong sa paggawa ng paborito mong resipe. Ano ang mangyayari sa resipe kung aalisin mo ang isa sa mga sangkap? Pag-usapan kung paano makagagawa ng kaibhan ang maliliit na bagay at paano rin kayo makagagawa ng kaibhan.

Agosto 5–11

Aktibidad na Tungkol sa Pagkabuhay na Muli

Mga batang gumagawa ng mga puppet

Para sa Alma 39–42

Itinuro ni Alma ang tungkol sa pagkabuhay na muli (tingnan sa Alma 40:23). Gumawa ng isang puppet na kamukha mo! Maaari kang gumamit ng paper bag, kapirasong papel, o medyas para gumawa ng puppet. Gumamit ng mga marker, pintura, yarn, o iba pang mga bagay para lagyan ito ng dekorasyon. Ang iyong kamay ay katulad ng iyong espiritu, at ang iyong puppet ay katulad ng iyong katawan. Dahil kay Jesucristo, ang ating katawan at espiritu ay magsasamang muli magpakailanman matapos tayong mabuhay na muli.

Agosto 12–18

Muog ng Kaligtasan

Mga batang may muog na gawa sa kumot

Para sa Alma 43–52

Noong naghahanda si Kapitan Moroni para sa digmaan, nagtayo siya ng mga bagay sa paligid ng lungsod upang mapanatiling ligtas ang mga tao (tingnan sa Alma 50:1–6). Magtayo ng muog kasama ang iyong pamilya. Tuwing may bago kang idaragdag sa iyong moog o kuta, banggitin ang isang bagay na magagawa mo para mapanatiling ligtas ang iyong pamilya sa espirituwal, tulad ng pagbabasa ng mga banal na kasulatan o pagdarasal.

Agosto 19–25

Mga Liham ng Pagmamahal

Batang babae na nag-iisip habang nagsusulat sa isang papel

Para sa Alma 53–63

Sumulat si Helaman at ang iba pang mga lider ng mga liham, para sabihin sa isa’t isa ang tungkol sa mabubuti at masasamang bagay na nangyayari sa mga digmaan o giyera (tingnan sa Alma 56). Maaari ka ring sumulat ng mga liham! Sulatan ang isang kapamilya o kaibigan. Isulat ang mabubuting bagay na nangyayari sa iyong buhay at ang mga bagay na mahirap para sa iyo. Pagkatapos ay ipadala ang iyong liham!

PDF ng Kuwento

Mga paglalarawan ni Katy Dockrill