“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.
Kumonekta
Cindy V.
18, Uruguay
Ilang taon na ang nakararaan, nagdaos ng aktibidad ang mga missionary at nagbigay ng hamon sa lahat ng kabataan na pumunta nang walang dalang mga cell phone at social media nang ilang araw upang mas makatuon sila sa ebanghelyo at maibahagi nila iyon sa iba. Tinanggap ko ang hamon at ibinahagi ko ang ebanghelyo sa isang kaibigan at ipinaalam sa kanya ang hamon ng mga missionary. Ang kaibigang iyon ay naging interesado at nagsimulang makipag-usap sa mga missionary. Nabinyagan siya ilang buwan kalaunan.
Mahilig talaga akong gumawa ng indexing at family history. Kung minsan magkakasama kami ng mga pinsan ko at iba pang mga kapamilya sa paggawa ng family history. Gustung-gusto kong tulungan ang iba na gumawa ng sarili nilang family history. Pagkatapos ay dinadala namin ang mga pangalang iyon sa templo.
Sa hinaharap, gagawa ako ng mga tipan sa templo kapag natanggap ko ang aking endowment at nabuklod ako. Espirituwal kong inihahanda ang aking sarili na gawin ang mga tipang iyon at sinisikap kong mabuti na gawin ang tama. Napakahalagang mapasaakin ang Espiritu para maprotektahan ako mula sa tukso.