“Pag-asa sa Panginoon sa Nakakatakot na mga Panahon,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.
Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo
Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Filipos 4:13).
Pag-asa sa Panginoon sa Nakakatakot na mga Panahon
Noong Disyembre 2021 may malaking sunog na malapit sa bahay ko. Pinalalakas ng hangin ang apoy, at hindi na iyon makontrol. Tinupok nito ang mga magkakapitbahay at ang mga tindahan.
Nang unang mabalitaan ng pamilya namin ang sunog, nasa visitors’ center kami ng templo. Panay ang dasal namin na maging ligtas ang mga kaibigan at pamilya namin.
Desperado kaming nagtiwala sa Panginoon. Napayapa at napanatag akong malaman na kung magtitiwala kami sa Kanya, magiging OK kami, anuman ang mangyari. Nang gabing iyon, kumalma ang hangin at naapula ng mga bumbero ang apoy.
Naging ligtas ang bahay namin, bagama’t natupok ng apoy ang mga kalapit na bayan. Alam ko na magiging OK ang lahat ng mabubuting taong nawalan ng bahay. Tutulungan sila ng Panginoon.
Nadarama ko ang pagmamahal ng Panginoon para sa akin at sa lahat ng Kanyang anak. Ang pagtitiwala sa pagmamahal ng Panginoon ay isang bagay na kamangha-mangha. Ipaubaya mo ang sarili mo sa Kanyang mga kamay, at maraming pagpapalang darating sa iyo.
Corgan W., Colorado, USA