2023
Sino ang mga Apostol ni Jesucristo Noong Unang Panahon?
Pebrero 2023


“Sino ang mga Apostol ni Jesucristo Noong Unang Panahon?,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mateo; Marcos; Lucas; Juan

Sino ang mga Apostol ni Jesucristo Noong Unang Panahon?

Alamin ang iba pa tungkol sa mga ordinaryong lalaking tinawag ng Tagapagligtas para gumawa ng mga pambihirang bagay.

Jesucristo

Mga larawang-guhit ni Carolyn Vibbert

Pedro

Pedro

Tumira sa Capernaum kasama ang kanyang asawa at ang ina nito.

Anak ni Jonas; kapatid ni Andres.

Kilala bilang si Simon; pagkatapos ay pinangalanan siya ni Jesus na Pedro o Cefas, na ibig sabihin ay “bato.”

Ang punong Apostol noon at tumanggap sa mga susi ng kaharian ng Diyos sa lupa mula sa Panginoon.

Andres

Andres

Malamang na tumira sa Capernaum na kasama ni Pedro.

Anak ni Jonas; kapatid ni Simon Pedro, malamang na mas bata.

Mangingisda na kasama ni Pedro.

Disipulo ni Juan Bautista.

Isinama si Pedro para makilala si Jesus.

Isa sa mga pinakaunang tinawag na maging disipulo.

Santiago

Santiago

Kasama nila ni Juan ang kanilang ama sa may tabing-dagat nang tawagin sila ni Jesus.

Anak ni Zebedeo; kapatid ni Juan.

Binigyan ng pangalang Boanerges, o “mga anak ng kulog,” kasama si Juan.

Hiniling ng kanyang ina kay Jesus na bigyan ng upuan ang kanyang mga anak sa Kanyang kaharian.

Isa sa tatlong naroon sa pagpapabangon sa anak na babae ni Jairo, sa Bundok ng Pagbabagong-anyo, at sa Getsemani.

Juan

Juan

Siya at ang kanyang kapatid ay tinawag na Boanerges, o “mga anak ng kulog.”

Anak ni Zebedeo; kapatid ni Santiago.

Ayon sa kaugalian ay tinawag na “ang Minamahal”; tinawag ang kanyang sarili na “alagad na minamahal ni Jesus.”

Mangingisda noong bata pa siya.

Inalagaan ang ina ng Tagapagligtas na si Maria, matapos mamatay si Jesus.

Isa sa tatlong naroon sa pagpapabangon sa anak na babae ni Jairo, sa Bundok ng Pagbabagong-anyo, at sa Getsemani.

Felipe

Felipe

Ng Bethsaida.

Ipinakilala si Nathanael kay Jesus.

Nathanael

Nathanael

Kaibigan ni Felipe.

Taga-Cana sa Galilea.

Pinaniniwalaan na ang mga pangalang Bartolome at Nathanael ay tumutukoy sa iisang tao.

Tomas

Tomas

Tinawag din na Didimo.

Ang kahulugan kapwa ng Didimo at Tomas ay “kambal.”

Tinawag na “nag-aatubiling si Tomas” dahil ayaw niyang maniwala sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus maliban kung makita niya Siya.

Mateo

Mateo

Kilala rin bilang si Levi.

Anak ni Alfeo.

Nangolekta siya ng mga buwis para sa Roma mula sa kanyang kapwa mga Judio sa Capernaum, kaya hindi siya naging popular sa mga Judio.

Pagkatapos siyang tawagin, nagdaos siya ng piging kasama ang mga publikano (mga maniningil ng buwis) at iba pa, na dinaluhan ni Jesus.

Awtor ng Ebanghelyo Ayon kay Mateo.

Santiago

Santiago

Malamang na kapatid ni Mateo.

Anak ni Alfeo.

Judas

Judas

Kung minsa’y tinatawag na Judas na Masigasig o Judas Tadeo.

Simon

Simon

Tinatawag ding Simon na Cananeo o si Simon na Masigasig, o Zelotes.

Ang masisigasig ay ang mga Judio na malaki ang kasigasigan sa pagtupad sa batas. Hindi nila tinanggap ang Romano o anumang banyagang awtoridad at hinangad nilang palayasin ang Imperyo ng Roma mula sa Banal na Lupain.

Maaaring may kaugnayan siya sa grupong ito o maaaring naging lubhang masigasig lang siya para kay Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo.

Judas

Judas

Marahil ay mula kay Kiryot sa katimugang Judea at sa gayo’y siya lang ang Apostol na hindi taga-Galilea.

Itinalagang ingat-yaman sa mga disipulo.

Ipinagkanulo ang Tagapagligtas kapalit ng 30 piraso ng pilak.