“Masayang Bahagi,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023
Masayang Bahagi
Caption Contest
Palagay mo ba kaya mong patawanin ang lahat? I-email ang iyong mga photo caption sa ftsoy@ChurchofJesusChrist.org bago sumapit ang Marso 1.
Tingnan ang ilang nakakatawang entry sa caption contest mula noong Pebrero 2021!
“Sobrang ginaw! Puwede bang sa loob na lang tayo mag-camping?” Jeremiah D.
“Ito ang napala ko sa pagsunod sa pusa.” Emily K.
“Ang pagpunta sa seminary sa mga buwan ng taglamig ay parang …” Victoria B.
“Hindi. Magtatalukbong na lang ako ng kumot dito.” Riley P.
“Mga aso lang ang suportahan mo.” Jacob A.
“Parang hotdog na nakapalaman sa tinapay pero mas masarap!” Bradley P.
“Balot na balot ng kumot ang tuta.” Laila K.
“Mga tuta at halik.”* Morgan S.
Bato o Buhangin?
Masasabi mo ba kung aling bahay ang nakatayo sa ibabaw ng bato at alin ang nakatayo sa buhangin? (Tingnan sa Mateo 7:24–27.) Sa isang puzzle, nakalapat ang lahat ng piraso (nakatayo sa bato). Sa isa pang puzzle, hindi nakalapat ang mga piraso (nakatayo sa buhangin).
Pagtutugma tungkol sa Sermon sa Bundok
Sa Sermon sa Bundok (tingnan sa Mateo 5:3–12), itinuro ng Tagapagligtas na ang pagsunod sa kanyang mga turo ay humahantong sa walang-hanggang kaligayahan. Maipapares mo ba ang bawat pahayag sa katugma nitong ipinangakong pagpapala?
-
Mapapalad ang mga may malinis na puso:
-
Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran:
-
Mapapalad ang mga mahabagin:
-
Mapapalad ang mga inuusig dahil sa katuwiran:
-
Mapapalad ang mga nahahapis:
-
Mapapalad ang mga dukha sa espiritu:
-
Mapapalad ang mga mapagpayapa:
-
Mapapalad ang mapagpakumbaba:
-
Mapalad kayo kapag kayo ay nilalait, [at] inuusig, … dahil sa akin.
-
Sapagkat sila ay aaliwin.
-
Sapagkat sila ay bubusugin.
-
Sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit.
-
Sapagkat sila’y kahahabagan.
-
Sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
-
Sapagkat mamanahin nila ang lupa.
-
Sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.
-
Sapagkat makikita nila ang Diyos.
-
Sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
Komiks
Mga Sagot
Bato o Buhangin?
B
Pagtutugma tungkol sa Sermon sa Bundok
1. Mapapalad ang mga may malinis na puso: H: Sapagkat makikita nila ang Diyos.
2. Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran: B: Sapagkat sila ay bubusugin.
3. Mapapalad ang mga mahabagin: D: Sapagkat sila’y kahahabagan.
“Mapapalad ang mga inuusig dahil sa katuwiran: E o I: Sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
5. Mapapalad ang nahahapis: A: Sapagkat sila ay aaliwin.
6. Mapapalad ang mga dukha sa espiritu: E o I: Sapagkat sa kanila ang kaharian ng langit.
7. Mapapalad ang mga mapagpayapa: G: Sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.
8. Mapapalad ang mga mapagpakumbaba: F: Sapagkat mamanahin nila ang lupa.
9. Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, [at] inuusig … dahil sa akin. C: Sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit