2023
Ang Kahanga-hanga Kong Bishop
Pebrero 2023


“Ang Kahanga-hanga Kong Bishop,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.

Ang Kahanga-hanga Kong Bishop

dalagitang tumutugtog ng organ

Mga larawang-guhit ni Kevin Fales

dalagita

Natulungan ako ng bishop ko sa paghihikayat at pagbibigay sa akin ng mga pagkakataong patatagin ang aking mga talento.

Batid na tumutugtog ako ng piyano, tinanong niya ako isang araw kung gusto kong matutong tumugtog ng organ. Noon ko pa naisip na masayang matutuhan iyon, pero ang bishop ko ang talagang naghikayat sa akin na magsimula. Tinulungan niya akong kontakin ang ward organist para matulungan ako nitong magsimula, at talagang ayos iyon! Tuwing nakikita ako ng bishop ko na nagpapraktis, pinupuri niya ako at tinatanong kung kailan ako ulit tutugtog sa sacrament meeting.

Alam ko na nakikita ng bishop ko ang aking potensyal, at nagpapasalamat ako na palagi niya akong hinihikayat. Natulungan Niya akong matuto at lumago sa mga paraang hindi ko sana nagawa kung nag-iisa ako.

Aubrey B., California, USA

dalagitang nalulungkot
dalagita

Nakikilala ko na ang bagong bishop ko nang sabihin niyang, “Sabi mo ayos lang ang lahat, pero parang may mali.”

Ipinaliwanag ko na palagi akong napag-iiwanan sa kurso ko. Nagkaroon ako ng depresyon, nalungkot, at nababalisa kapag maraming tao.

“Masyado mong pinahihirapan ang sarili mo,” sabi niya. Nagturo siya sa akin tungkol sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo at sa pasensya at awa ng Tagapagligtas. Iminungkahi rin niya na kausapin ko ang mga magulang ko at pag-isipan ang posibilidad na magpa-therapy.

Nagsimula akong magpatingin sa isang therapist. Hindi nito nalutas ang lahat nang minsanan. Pero dahil sa mapagmahal kong bishop, natanggap ko ang tulong na kailangan ko.

Brenna H., Utah, USA