2023
Tinutulungan Ako ng Tagapagligtas na Ibahagi ang Ebanghelyo
Pebrero 2023


“Tinutulungan Ako ng Tagapagligtas na Ibahagi ang Ebanghelyo,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.

Magagawa Ko ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ni Cristo

Ibinahagi ng mga kabataan kung paano sila napalakas ni Cristo na gawin ang mahihirap na bagay (tingnan sa Filipos 4:13).

Tinutulungan Ako ng Tagapagligtas na Ibahagi ang Ebanghelyo

Larawan
binatilyo

Ang Tagapagligtas ay palaging nagtuturo sa mga tao at palaging isang missionary. Ipinadarama nito sa akin na maaari din akong maging missionary. Sa aking boarding school, alam ng maraming tao na miyembro ako ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Sa kasamaang-palad, madalas silang makarinig ng mga bagay tungkol sa Simbahan na hindi totoo, at kadalasa’y hindi nila alam na Kristiyano tayo. Sinisikap kong sabihin sa kanila—pero ang mas mahalaga, sinisikap kong ipakita iyon sa kanila sa pamamagitan ng pagsisikap na sundan ang halimbawa ni Jesucristo.

Maaaring malungkot kung minsan, pero alam ko na kung magtitiwala ako sa Diyos at patuloy na tutulong sa gawaing ito sa abot-kaya ko, sasaya ako.

Eugene O., Kenya

Print