2023
Ang mga Talento
Pebrero 2023


“Ang mga Talento,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Peb. 2023.

Ang mga Talinghaga ng Tagapagligtas

Ang mga Talento

Mateo 25:14–30

Larawan
ang talinghaga ng mga talento

I-download ang PDF

Ano ang talinghaga?

Binigyan ng isang lalaki ang kanyang tatlong alipin ng mga talento, o pera, ayon sa kanilang mga kakayahan.

Ang isang alipin ay nakatanggap ng limang talento, ang isa pa ay nakatanggap ng dalawang talento, at ang huli ay nakatanggap ng isang talento.

Ginamit ng aliping may limang talento ang kanyang mga talento para patubuan, kaya nadoble ang kanyang mga talento.

Nadoble rin ng aliping may dalawang talento ang sa kanya.

Pero ang aliping nakatanggap ng isang talento ay takot na takot na mawala ito kaya itinago niya ang pera at hindi nagsikap na paramihin ito. Nalungkot ang lalaking nagbigay ng pera sa aliping ni hindi nagsikap.

Ano ang ibig sabihin nito?

Binigyan tayo ng Panginoon ng mga talento (mga kaloob o kakayahan), na maaaring magpala sa ating buhay at sa buhay ng iba. Nais Niyang payabungin at paramihin natin ang ating mga talento. Kung hindi tayo magsisikap na magpakabuti at magtamo ng iba pang mga talento, maaaring mawala sa atin ang mga talentong naibigay sa atin. Pero kung tapat nating pinauunlad ang mga kaloob at kakayahang naibigay sa atin ng Panginoon, nagiging higit tayong katulad Niya at makakamtan natin ang ating banal na potensyal.

Print