Para sa Lakas ng mga Kabataan
Sa Ibabaw ng Ngalan Ko
Setyembre 2024


Sa Ibabaw ng Ngalan Ko

Narito ang mga titik sa awiting ito mula sa 2024 Youth Theme album.

1. Dapat kong pagbayaran

Lahat ng pagkukulang.

Ngunit ako’y tao lamang,

Magbago’y sinusubukan.

Gumagaan ang

Pakiramdam.

Bawat maling nagawa’y alam ko,

Lahat ng sakit nadama ko.

Nar’yan ang katarungan,

Awa’y nasaan?

At Ikaw ay biglang namagitan,

Tinubos ang mga kasalanan.

‘Sinulat ngalan Mo

Sa ibabaw ng ngalan ko.

Ko. Ko. Ko.

2. Buong kaluluwa’y utang,

Bawat saglit na lilipas.

Kahit ano’ng gawin ko’y kulang.

Walang-hanggang pagkakautang,

Nais Mo’y pusong bagbag lamang.

Bawat maling nagawa’y alam ko,

Lahat ng sakit nadama ko.

Nar’yan ang katarungan,

Awa’y nasaan?

At Ikaw ay biglang namagitan,

Tinubos ang mga kasalanan.

‘Sinulat ngalan Mo

Sa ibabaw ng ngalan ko.

Ko. Ko. Ko.

Bawat maling nagawa’y alam ko,

Lahat ng sakit nadama ko.

Nar’yan ang katarungan,

Awa’y nasaan?

At Ikaw ay biglang namagitan,

Tinubos ang mga kasalanan.

‘Sinulat ngalan Mo

Sa ibabaw ng ngalan ko.

Ko. Ko. Ko.

Buong kaluluwa’y utang,

Bawat saglit na lilipas.