Para sa Lakas ng mga Kabataan
“Paano ko dapat ‘paliwanagin ang aking ilaw’ kung hindi ako mahilig maglalabas?”
Setyembre 2024


Mga Tanong at mga Sagot

“Paano ko dapat ‘paliwanagin ang aking ilaw’ kung hindi ako mahilig maglalabas?”

dalagita

“Basta magpakatotoo ka lang. Halimbawa, huwag itago ang katotohanan na nagbabasa ka ng iyong mga banal na kasulatan, nagdarasal, o nagsisimba. Sa paggawa ng mga bagay na ito at tunay tayong nagpapakatotoo sa ating sarili, mas pinagliliwanag natin ang ating ilaw kaysa inaakala natin! Hindi mo kailangang mamigay ng kopya ng Aklat ni Mormon araw-araw—paliwanagin lamang ang iyong ilaw sa pagiging isang tunay na kaibigan at disipulo ni Cristo. Mapapansin ng mga tao na nagliliwanag ang iyong ilaw!”

Angel D., 17, Oregon, USA

dalagita

“Maaari kong paliwanagin ang aking ilaw sa pamamagitan ng aking mga kilos kapag nahaharap ako sa mahihirap na sitwasyon. Sa pagiging mapagpasensya, pagiging tagapamayapa, at pagpapatawad sa mga nagkakasala sa atin, maaari nating paliwanagin ang ating ilaw bilang mga disipulo ni Jesucristo.”

Èmile M.,17, Bahia, Brazil

dalagita

“Matutulungan ka ng isang taimtim na panalangin na paningningin ang Liwanag ni Cristo. Naaalala ko ang isang missionary service activity kung saan humayo kami para ibahagi ang ebanghelyo. Natakot ako noong una, pero nanalangin ako ng personal at nagkaroon ako ng tapang na ibahagi ang ebanghelyo.”

Gerardine S., 14, Haut-Katanga, Democratic Republic of the Congo

binatilyo

“Ginagawa ko ang lahat para ibahagi ang ebanghelyo sa mga kaibigan ko na hindi kasapi ng Simbahan, pero hindi ako palaging nagtatagumpay dahil nahihiya ako. Kapag nagdarasal ako, tinutulungan ako ng Panginoon na magsalita.”

Gustavo A., 13, Paraná, Brazil

dalagita

“Ang isang bagay na kasingsimple ng pagngiti sa mga tao at pagiging magiliw kapag nakikipag-ugnayan ka sa iba ay maaaring maging isang maningning na liwanag.”

Lily W., 17, Utah, USA