Para sa Lakas ng mga Kabataan
Nakikialam ba ang Simbahan sa pulitika at pamahalaan?
Setyembre 2024


Tuwirang Sagot

Nakikialam ba ang Simbahan sa pulitika at pamahalaan?

magkakaibang mga tao

Naaapektuhan ng pulitika at pamahalaan ang ating buhay, kabilang na ang kakayahan nating sumamba, at hinihikayat ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga miyembro nito na makilahok dito. Sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta, binigyan na tayo ng Panginoon ng mga tunay na alituntunin, at nasa bawat isa na sa atin ang pagsasabuhay ng mga alituntuning iyon sa iba’t ibang aspeto ng ating buhay, pati na sa ating pagsali sa gawaing pulitika at pamahalaan. Ang iba’t ibang lugar ay may iba’t ibang batas, at hinihikayat tayo ng Simbahan na makilahok sa abot ng ating makakaya.

Hindi ineendorso ng Simbahan mismo ang anumang mga partidong pulitikal, plataporma, o kandidato. Wala itong kinikilingan sa pulitika. At hindi sinasabi sa atin ng Simbahan kung paano bumoto. Ipinapaalala lang nito sa atin na sinabihan na tayo ng Panginoon na hanapin at suportahan ang mga lider na tapat, mabuti, at matalino (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 98:10). At kung minsa’y gumagawa ito ng mga opisyal na pahayag sa publiko tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa mga isyung moral o mga gawi ng Simbahan.

Hinihikayat din ng Simbahan ang mga miyembro na tumulong na gawing mabubuting lugar ang kanilang komunidad para tirhan at magpalaki ng mga pamilya. Maraming mabubuting adhikain na maaari nating salihan para tumulong na mapabuti ang mga bagay-bagay saanman tayo naroon.

Tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 38.8.30, Gospel Library; Mga Saligan ng Pananampalataya 1:11–12.