Ayon kay Pangulong Russell M. Nelson, narito ang dahilan kung bakit hindi ka dapat matakot.
Ano ang iyong kinatatakutan? Mga rollercoaster? Klase sa math? Pagsubok na unawain si Isaias?
O marahil ay ang pagsisisi? Kung itinutulak ka ng pag-iisip na magsisi na magtago sa ilalim ng iyong mga kumot o kumain ng napakaraming tsokolate, para sa iyo ang artikulong ito.
“Sana huwag matakot sa o ipagpaliban ang pagsisisi,” sabi ni Pangulong Russell M. Nelson. At may magandang dahilan. Narito ang ilang bagay kung ano ang pagsisisi at kung ano ang hindi pagsisisi, ayon kay Pangulong Nelson.
Tanggapin ang Perpektong Kaloob ng Diyos
Kaya, handa ka bang magtiwala sa Tagapagligtas para madaig ang takot mo sa pagsisisi? Hindi mo ito pagsisisihan.
Sabi ni Pangulong Nelson: “Dahil kinakailangang iligtas ang mundo, at dahil kinakailangang iligtas tayo, nagsugo sa atin [ang Ama sa Langit] ng isang Tagapagligtas.
“… Tanggapin natin ang perpekto at mahalagang kaloob ng Diyos. Ilagay natin ang ating mga pasanin at kasalanan sa paanan ng Tagapagligtas at damhin ang kagalakang nagmumula sa pagsisisi at pagbabago.”