Masayang Bahagi
Hati-hatiin ang Puso
Itinuro na sa atin ng Tagapagligtas na dapat tayong magkaroon ng “bagbag na puso,” na ibig sabihin ay maging mapagpakumbaba, nagsisisi, at maamo (3 Nephi 9:19; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Bagbag na Puso,” Gospel Library). Maaari mo bang hati-hatiin sa pitong piraso ang simbolong ito ng puso sa pamamagitan ng pagdodrowing lamang ng tatlong tuwid na linya? Hindi lang isa ang tamang sagot.
Nakatagong mga Bagay
Dadalawin na sana ng Tagapagligtas ang lupain ng mga Nephita. Pero ngayon mismo, maraming nangyayaring pagkawasak. Mahahanap mo ba ang 10 bagay na nakatago sa mga guho? (Tingnan sa 3 Nephi 8–11 para sa kuwento!)
Sino ang Unang Nakatapos?
Binasa nina Jill, Scott, Tory, at Jonathon ang Aklat ni Mormon ngayong taon. Sino ang unang nakatapos sa pagbabasa? Bonus: Kung nagsimula silang magbasa noong Enero 1, kailan nakatapos ang bawat isa?
Hint: May 239 na kabanata o bahagi sa Aklat ni Mormon.
-
Jill: Nagbasa ng 1 kabanata noong Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Sabado at ng 1.5 kabanata sa iba pang mga araw ng linggo.
-
Scott: Nagbasa ng 7 kabanata tuwing Linggo at 1 kabanata kada ikalawang Miyerkules.
-
Tory: Nagpalitan sa pagbabasa ng 5 kabanata nang isang linggo at 10 nang sumunod na linggo (laging araw ng Sabado).
-
Jonathon: Binasang lahat ang Una at Ikalawang Nephi noong Enero, pagkatapos ay nagbasa ng 1 kabanata isang araw pagkaraan niyon.
Komiks
Mga Sagot
Sino ang Unang Nakatapos?: Unang nakatapos si Jill sa pagbabasa.
Bonus:
-
Jill: Hulyo 15
-
Scott: Agosto 11
-
Tory: Agosto 10
-
Jonathon: Agosto 2
Mga Nakatagong Bagay: