Para sa Lakas ng mga Kabataan
Magkakapatid kay Cristo
Setyembre 2024


Mga Salitang Gabay sa Buhay

Magkakapatid kay Cristo

Hango sa isang mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2023.

iba’t ibang uri ng mga tao

Mga larawang-guhit ni Adam Nickelv

Itinuturo ng ebanghelyo ni Jesucristo na lahat tayo ay isinilang na mga espiritung anak ng mga magulang sa langit na tunay na nagmamahal sa atin. Lahat tayo ay may likas na kabanalan, pamana, at potensyal.

Bilang mga disipulo ni Cristo, inaanyayahan tayong pag-ibayuhin ang ating pananalig, at pagmamahal, sa ating espirituwal na kapatiran.

araw

Ang ilaw ng isang panibagong araw ay mas nagniningning sa ating buhay kapag itinuturing at pinakikitunguhan natin ang ating kapwa-tao nang may paggalang at dignidad at bilang mga tunay na magkakapatid kay Cristo.

Sa Kanyang ministeryo sa lupa, lubos na ipinakita ni Jesus ang perpektong halimbawa ng alituntuning ito.

mga mukha na may iba’t ibang kulay

Walang lugar para sa mga mapanghusgang kaisipan o gawain sa komunidad ng mga Banal.

mga hugis ng puso na puno sa iba’t ibang antas ng kulay-pula

Inaanyayahan tayong sama-samang mamuhay, nang payapa, na ang ating puso ay puspos ng pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng tao.

nakabalot na mga regalo

Nawa’y mas ikalugod natin ang espirituwal na ugnayan na namamagitan sa atin at pahalagahan ang iba-ibang katangian at sari-saring kaloob na mayroon tayong lahat.